Sabado, Enero 3, 2015
Bangui Windmills, Ilocos Norte
Kilala ang Bangui sa mga windmills. Mayroong 20 na windmills na nakapila sa gilid ng Bangui Bay dito. May taas na 70 metro ang windmill at may habang 41 metro ang elise o "blade" ng isang windmill. Mahangin sa Bangui Wind Farm. Malalakas din ang alon sa dagat nung pumunta kami kaya napakasaya ng pagpunta namin dito!
Pagudpud, Ilocos Norte
Nagpunta kami sa Pagudpud, Ilocos Norte noong ika-29 ng Disyembre,2014. Kilala ang Pagudpud sa mga dalampasigan nito. Limang oras ang biyahe namin mula Candon, Ilocos Sur papuntang Pagudpud, Ilocos Norte. Pinuntahan namin ang Bantay Abot Cave sa Sittio Mabubua, Ilocos Norte. Napakaganda ng tanawin dito.

Calle Crisologo, Vigan, Ilocos Sur
Pagkagaling sa Ruby Pottery, pumunta kami sa Calle Crisologo upang makita ang mga lumang bahay.
Idineklara ang Vigan bilang isa sa New7Wonders Cities of the World noong ika-7 ng Disyembre (Disyembre 8, 2014, 3:00 AM). Isa rin itong UNESCO World Heritage Site.

Sumakay rin kami ng kalesa upang malibot ang Calle Crisologo.

Kumain rin kami ng empanada at okoy.
Pumunta rin kami sa Cathedral of Vigan.
Idineklara ang Vigan bilang isa sa New7Wonders Cities of the World noong ika-7 ng Disyembre (Disyembre 8, 2014, 3:00 AM). Isa rin itong UNESCO World Heritage Site.
Calle Crisologo |
Sumakay rin kami ng kalesa upang malibot ang Calle Crisologo.
Sa kalesa kasama sina Jenov, Evjon, at Jo-AL. |
Kumain rin kami ng empanada at okoy.
Pumunta rin kami sa Cathedral of Vigan.
Ruby Pottery, Pagburnayan, Vigan, Ilocos Sur
Pumunta kami sa Ruby Pottery sa Pagburnayan, Vigan upang makita namin kung paano ginagawa ang burnay. Ang salitang Pagburnayan ay nanggaling sa salitang burnay.

Hindi namin inaasahan na makikita namin ang may-ari ng Ruby Pottery na si Fidel Go. Isa siyang National Folk Artist.
Si Fidel Go ay isang National Folk Artist. |
Huwebes, Enero 1, 2015
Bantay Church at Bantay Belfry, Bantay, Ilocos Sur
Ang Bantay Church o ang St. Augustine Parish Church ay matatagpuan sa Bantay, Ilocos Sur. Tinatawag din itong Shrine of Our Lady of Charity. Ito ay isa sa mga pinakamatandang simbahan sa Ilocos Sur.

Ang Bantay Belfry naman ay nakatayo sa isang burol. Ito ay nagsisilbing watchtower ng mga tao noong World War I at II. Makakakita ng magandang tanawin kapag umakyat ka sa bell tower.
Banaoang Bridge, Santa, Ilocos Sur
Kasunod naming pinuntahan ang Banaoang Bridge.
Makikita ang Banaoang Bridge (Quirino Bridge) sa Santa, Ilocos Sur. Ito ay ipinangalan kay dating Pangulong Elpidio Quirino.
Nakasanayan na ng mga Ilocano na kapag tumawid ng Tulay ng Banaoang na hindi humihinga, matutupad ang iyong mga kahilingan.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)