Miyerkules, Disyembre 31, 2014

Simbahan ng Sta. Maria, Sta. Maria, Ilocos Sur

     Nagpunta kami sa iba't ibang bayan ng Ilocos Sur noong ika-27 ng Disyembre 2014. Una naming pinuntahan ang Nuestra Señora de la Asuncion Church o Simbahan ng Sta. Maria sa Sta. Maria, Ilocos Sur. 

     Ang Simbahan ng Sta. Maria ay ginawa noong 1810. Ito ay ginawang World Heritage Site noong 1993. Ito rin ay isang National Historical Landmark.










Biyahe Patungong Ilocos

     Nagpunta kami sa Fariñas transit noong ika-26 ng Disyembre, 2014 upang pumunta sa Candon, Ilocos Sur. Kasama namin sila Jo-Al Supan at ang kaniyang inang si tita Carol Supan. Sumakay kami sa First Class na bus. Mahigit walong oras ang aming biyahe dahil naantala ang dating ng bus. Ang orihinal na oras ng alis namin na 11:30 ng gabi ay naging 2:30 ng umaga.

     Sa ganap na 10:00 ng umaga, dumating kami sa Kalamayan, Candon, Ilocos Sur. Sinundo kami ng aming kaklaseng si Jenov Custodio at ng kaniyang inang si tita Cora Custodio. Nagpunta kami sa kanilang bahay upang magpahinga at para pumunta sa ibang bayan ng Ilocos Sur.


Oras ng biyahe sa Fariñas Transit